Daldal ni Keia: hahaha fisrt time na tagalog fic ito 'tol! hehe, wla lng just taking a break for MTS... tsaka medyo busy ako eh.. take note: hectic na hectic, SUPER... ndi niyo lng alam... also, this is not a one-shot.. two part story ito, 'tsong!

this fic is dedicated to Sakura-miaka tsaka dun sa mga forum members ng ABS-CBN Forums expecially Prodigy-sama for updating me what's happening pag ndi n ako nkakapag post! oh, un, sa inyong dlawa ito...

Summary: Kung first time mong makipag-date sa hindi kakilala, at sumali ka sa isang blind dating contest, at first time rin nung makaka-blind date mo(at NERD pala siya), sa palagay mo perfect na ito?

...x...X...x...

Perfekt Date

Part 1

Gawa ni Keia

Two Part Story

...x...X...x...

POV ni Sakura

Ngayon ay Sabado. Ano kaya ang magagawa ng isang babaeng katulad ko sa pagkainit init na panahong ito? Kung pwede ko nga lang baguhin ang panahon, gagawin ko! Hay naku. Sa pagkadami dami ng araw na pwedeng sumikat ang araw, ngaun pa sumikat kung kailan wala akong ginagawa. Pwede namang bukas dahil Linggo at pupunta kami sa bahay nila Tomoyo at doon ay may aircon na pagkalamiglamig.

Hay, grabe... Alas tres na pala. Gusto kong maligo sa pagkalamiglamig na tubig.

...x Lunes x...

"Tomoyo!" sigaw ko.

Napalingon si Tomoyo at nginitian ako. Nginitian ko rin siya. Lumapit ako sa kanya at pumunta na kami sa mga locker namin. Masyadong tahimik ngayon sa eskwelahang ito kapag Lunes. Hanggang lumapit sa amin si Chiharu na may masayang ngiti.

"Hoy, alam niyo na ba yung bagong programa ng school natin?" tanong niya.

Sinara ko na ang locker ko at nagtaka. Ano na naman kaya ang binabalak ng student council? "Bakit? Tungkol ba saan iyon?" tanong ko pabalik.

Napabuntong hininga si Chiharu habang tumatawa si Tomoyo. "Nakita ko sa isang poster doon sa bulletin board na mag kakaroon ng blind date contest para sa mga babae. Kahit sino pwedeng sumali pero wala pa akong kaalamalam kung sino ang makakadate. Ano gusto niyo bang magpalista?"

Tumingin ako kay Tomoyo na muhkang pumapayag. "Sige sumali ka na Sakura. Ito na ang pagkakataon mong makadate kahit sino. At pagkakataon mong magkaroon ng boyfriend!"

"Ano! Hindi ako makapaniwala na ako pa ang inimbitahan mo kesa isali mo iyang sarili mo. Ikaw nga ang walang boyfriend dyan. Ako, kahit papaano nag karoon kahit isa. Ang ibig sabihin lang noon, hindi ako tomboy. Baka ikaw Tomoyo, baka tomboy ka?"

Napatawa lang si Tomoyo. "Pwede ba! Hindi ako tomboy. Kung gusto mo sasali rin ako, pero sasali ka rin. Ito na ang pagkakataon kong ipakita sa iyo na hindi ako tomboy!"

"Hay, naku. Sabi ko na nga ba at sasali kayo. Buti na lang at nailista ko na ang mga pangalan niyo."

"Ano!" sigaw naming dalawa ni Tomoyo habang iniiling ni Chiharu ang kanyang ulo. Napabuntong hininga nalang ako habang pumunta kami sa kwarto namin.

...x Lunes ng hapon x...

Yes! Tapos na rin ang klase ko. Kaso may library work pa ako. Kasi naman eh ang bagal nga ng oras kapag Lunes. Alam mo yun?

Papunta ako sa library para nga dun sa library work ko nang biglang...

"Aray!" may bumangga sa akin. Tinignan ko yung nakabangga sa akin, at napansing ang binansagan nilang Pambansang NERD ng School. Nginitian ko lang siya at umalis na.

Wala naman akong masyadong naririnig sa kanya. Well, dahil siguro sa lagi siyang tahimik. Pero, in fairness, cute siya kung iniba niya ang kanyang damit at tinanggal niya yung makakapal na salamin na iyon. Hindi kasi bagay sa gwapo niyang muhka. Kasi, isipin mo, yung mga matang kulay amber at buhok na natural messy at kulay brown chocolate, sinong hindi maga-gwapuhan doon?

Pero walang pumapansin sa kanya dahil nga nerd siya, kaya ganun.

Pumasok na ako sa library pagkatapos nung banggaan. Inumpisahan ko na ang library work ko, ang ayusin ang mga librong kinuha ng mga estudyanteng tamad na ibalik ang mga libro sa lalagyanan nito.. Buti nalang at mabait ako, at kung hindi, naku, magulo lagi ang library. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako ang inutusang mag-aayos lagi dito eh. May nakaaway ako at nadamay ang ang mga librong pinakaiingatan ng paaralang ito.

Napabuntong hininga ako ng naayos ko na ang mga magazine sa isang section. Tapos may narinig na lang akong tawa, nakakairitang tawa. Lumingon ako at nakita ko ang may kasalanan ng lahat, Reika Nagasaki, ang feeling American pero barok naman ang english, na kasama ang kanyang mga buntot.

"Hahahaha! Aba, nandito pala si Kinomoto. Hindi ko alam," ani niya habang sumasandal sa counter ng library at nagpapa-cute.

Sus, ang arte ng talandeng babaeng ito. Nagtitimpi lang ako dahil baka mahuli na naman ako at baka hindi lang libro ang ipaayos sa akin.

"Ano na naman ba ang gusto mo Nagasaki? Gusto mo na naman ng away? Bakit hindi ka makipagtalo sa mga babaeng nilalandi ng BF mo? Mas maganda pa iyon." sabi ko habang inilalagay ang mga libro sa lalagyan nito.

Nakita kong namula si Reika at umalis na, nagdadabog. Natawa ako nang umalis na siya. Akala niya ay maiisahan niya ang pinakamatapang na babae ng campus na ito? Hindi yata!

Tumingin ako sa orasan ng library at napalaki ang mga mata ko. 4:30 na at wala pa ang partner ko! Baka inindiyan ako nung mokong na iyon! Naku, kapag nalaman ko lang kung sino un...

"Pasensya na kung ngaun lng ako, may ginawa pa kasi ako eh." narinig kong may nagsabi. Mahina lang ang boses niya pero malalaman mo kaagad na lalaki ang nagsalita.

"Anong pasensya! Marami na akong naayos na libro-" nagulat ako sa nakita ko. Yung nerd na nabangga ko kanina ang partner ko dito! "Ahem... Pasensya na, hindi ko sinasadya na sigawan ka."

I admit na nagulat ata siya nung sinagawan ko siya pero muhka namang wala sa kanya yun. Kasi nag umpisa na siyang ayusin ang mga mesa at upuan na medyo ginulo ni Reika kanina para magpacute(wala namang lalaki dito).

Nakalipas ang 30 minutes and I yawned. Nakakaantok ring magayos ng libro noh! Tapos puro libro na nga makikita mo sa klase, aayusin mo pa pagkatapos ng klase ay libro? Haaayyyy...

Kinuha ko na ang bag ko nang nakita kong nagmamadaling lumabas ng library ang partner ko. Gusto ko lang namang malaman yung name niya kasi nga wala akong kaalamalam. Hinabol ko siya at huminto sa harap niya. Pansin na pansin na gulat na gulat siya.

"Kasi, uhm, gusto ko lang malaman kung anong pangalan mo." sabi ko habang napansin kong namumula siya. "So, anong pangalan mo?"

"Ha? Ano, pangalan ko, L-Li S-Sy-Syaoran. Li Syaoran!" mabilis niyang sinabi at tumakbo na siya.

Pwede siyang sumali sa 100 meter dash dahil doon. Iniisip ko ulit ang pangalan niya... Ano ulit pangalan niya? Li? Syaoran? Ahhh! Naalala ko na! Siya ang Chinese transferee nung isang taon. At dahil first day palang niya ay nag excel na siya sa mga lessons, niloloko siya ng mga bullies at binansagan siyang Pambansang NERD. Kaya pala...

...x...

Kinabukasan...

"Hindeeeeeeee! Late na naman ako!"

BAG! KABLOG! BAGANG! BASHUNG! KABLAG! KALOG! BOOM! BANG!

Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan at dumiretso sa dining room. Nakita kong tumatawa ang pinakamamahal kong kapatid na si Kuya Touya, nakaupo sa kanyang upuan.

I gave him my deadliest glare as I took a piece of toasted bread. "Anong tinatawa mo dyan?" tanong ko, medyo galit.

"Hay naku, ang bakulaw late na naman. Kaya nabubulabog ang mga multo sa bahay na ito dahil sa mga ingay na ginagawa mo eh." sabi niya.

Aba, ginagalit mo ako Kuya... etong sa'yo!

"AAAAARRRRRAAAAAYYYYY ko poooooooooooohhhhh!" sigaw niya habang lumabas na ako ng bahay.

Ang ganda ng araw ngaun. Ang tahimik ng panahon, ang araw araw! Pero, siguradong hindi aayon sa akin ang panahon dahil late na naman ako! Naku!

Nagmadali na akong tumakbo baka detention na naman ang abot ko nito! Hay... Pero habang tumatakbo ako, napansin ko ung nerd partner ko sa library na maraming dalang libro. Nagmamadali rin siyang katulad ko pero hindi ko naman hahayaan na maihulog nya ang mga gamit niya. Pinuntahan ko siya at tinulungan siya ng walang sabi. Mabait ata 'to.

"Ay, hindi mo na kailangan gawin iyan. Kaya ko ito." sabi niya na tinetesting na kunin ang mga librong kinuha ko sa kanya. Typical nerd nga. Kasi ayaw nilang tinutulungan sila noh, alam mo ba 'un?

"Hindi. Tinutulungan ka na nga eh. Hayaan mo na, para hindi ka malate. Tara na, late na tayo." ani ko habang tumakbo na. Nararamdaman kong sinusundan niya ako dahil nakikita ko ang anino niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang bell ng school. Late na nga ako! Lumingon ako sa likod ko at nakitang bumibilis ang takbo ni Li Syaoran. Physically fit naman pala siya eh! Hindi katulad nung mga typical nerd na lalampa lampa. Napangiti nalang ako dito.

"Bilisan mo, Li! Late na tayo." sigaw ko. Pumasok na ako sa gate ng school at nagmadaling binuksan ang aking locker. Teka, pano ko nga ba nagawa yung pagbukas ng locker nang may hawak? Oh well...

Napahinto sa tabi ko si Li Syaoran, parang may hinihintay. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Anong kailangan mo? Malelate ka niyan." sabi ko sa kanya.

Namula na naman siya. "Kasi, yung mga libro ko. Hawak mo parin at kelangan ko sila sa klase ko." nahihiya niyang sinabi sa akin.

Tinignan ko yung hawak kong mga libro at napatawa. Binigay ko kaagad sa kanya ang mga libro nya at umalis na siya bigla. "Hehehe.. Nakakatuwa naman siya." bulong ko sa sarili ko habang napansing walang mga estudyante sa corridor. "OMG! Detention na naman ako!"

...x...

"Miss Kinomoto!"

"Yes sir?" Kasi naman! Nalate pa ako nang gising eh... Detention na naman ang abot ko nito!

"Bakit ka late?" tanong sa akin ng professor ko.

"Kasi po, late po akong nagising."

"Ang reason mo bakit ka late nagising?" ang tanong na naman na iyon. Hindi ba siya nasasawa sa tanong na iyon? Ako, utang uta na...

"Hindi ko po nagawa nang maaga ang mga assignments ko, sir." As usual, ang mga classmate ko ay pinipigilan ang kanilang mga tawa.

"Sige, detention ka ngayon." Tapos! Buti naman at hindi pinatagal ng professor ko ang usapang ito. Pero mas gusto ko iyon para matapos kaagad ang klase ko sa kanya.

Pumunta na ako sa upuan ko ng napansin ko yung si Li Syaoran ang katabi ko. Kailan ko pa siya naging katabi? Ang alam ko ay yung isang babae ang katabi ko. Hinayaan ko nalang since detention na ako baka masuspended pa ako kung mahuhuli akong nakikipag daldalan. Alam mo naman ang professor ko dito sa klaseng ito, matinik. Lakas ng pandinig...

"Miss Kinomoto!" Na naman!

"Yes sir!" ani ko habang tumayo kaagad.

"Ano ang sagot sa tanong na ito?" tanong niya. Tumingin ako sa board at feeling ko matutumba ako. Ang laki ng numbers na pinasasagot sa akin. Ayoko pa naman ng MATH!

"Ano, sir. Ang sagot po ay..." naman... Kung kelan naman na kauupo ko lang eh, kaagad naman akong pasasagutin.

"3 million 67 thousand and a half." narinig kong may bumulong sa akin. Napalingon ako sa kanan ko at nakita ang namumulang Li Syaoran na paulitulit na binubulong ang sagot.

"Ano po sir, ang sagot po ay... 3 m-mmillion si-67 thousan and a h-half." kinakabahan kong sagot habang nanlaki ang mata ng professor ko at napapalakpak siya.

"Magaling, Miss Kinomoto. Pag butihin mo sa susunod." sabi niya at dumiretso sa boring lessons niya about numbers.

Napaupo nalang ako bigla at napalingon sa katabi ko. "Salamat ha, I owe you." I said habang binubuklat ang libro ko.

"You don't owe me anything. I owe you so I paid you." aba! Ngaun ko lang narinig na nag-english ang nerd pero gwapong ito.

"You... owe me? Kailan?" tanong ko sa kanya. Ah! Baka yung kanina, yung pagtulong ko sa kanya sa pagdala ng mga libro. "Oh well, wala iyon."

Napansin ko na namang namula siya. Lagi nalang siyang namumula kapag kinakausap ko siya.

...x...

"Sakura, bukas daw nila iaa-announce kung sino yung mananalo doon sa blind date contest. Sino kaya ang mananalo?" tanong ni Tomoyo. Wala naman talaga akong pakialam dun sa blind date contest. Kahit sino ang manalo, bahala na sila.

"Siguradong sumali si Reika Nagasaki. At kung siya ang mananalo, alam ko na ang mangyayari." sabi ko kay Tomoyo na tumatawa. Talaga naman eh! Alam niyo ba kung bakit? Tatawa siya nang malakas na malakas, at hahanapin ako at sasabihing, "Ano Kinomoto? Ako ang pinili nila dahil sa marunong akong mag-english hindi katulad mo."

Aba, pamatay langaw nga ang english niya eh. Isang beses sa klase, pinagyayabang niyang ang english project niya ang pinaka maganda, ang nakuha naman niya ay F. Isang malaking F. Yabang niya, daig ko pa siya, ang nakuha ko ay B. Akala niya...

Natawa nalang akong bigla, at saktong nakita kong natapunan ng coke ang damit na ipinagmamalaki ni Reika. Karma niya!

Napatingin sa akin si Reika at tinignan niya ako ng masama. Aba, kailan pa siya natuto tumingin ng masama? Ngayon lang?

"Anong tinatawa mo dyan, Kinomoto!" patanong niyang sigaw. Nagulat ako kasi ang lakas pala ng boses niya. Isipin mo, 50 meters ang layo namin ni Tomoyo sa kanya at mga alagad niyang butete.

Inirapan ko nalang siya. Hay, wala ako sa mood para makipagtalo sa muhka niyang sobrang kapal ng make up. Umupo na kami ni Tomoyo sa table namin at napabuntong hininga ako. Ito naman lagi ang nangyayari eh. Makikita ako ni Nagasaki at sisigaw siya mula sa kanyang pwesto. Ako naman iirap at uupo sa pwesto namin ni Tomoyo.

"So, ano sa palagay mo? Sino naman kaya ang makaka-blind date ng mananalo?" tanong ni Tomoyo habang nagsimula na akong kumain.

"Ewan ko. Hindi na ako nagpupunta sa mga meeting namin kasi busy ako sa library work ko. Kasalanan ng talanding babaeng iyon." sabi ko. Napansin ko na naman yung si Li Syaoran na naghahanap ng mauupuan. Napatayo ako at ngumiti.

"Li Syaoran!" sigaw ko. Napalingon siya sa akin at as usual, namula siya. Kinawayan ko siya. "Dito ka na sa tabi namin."

Napangiti siya at uhm muhkang ako naman ang nag-blush. Ang cute pala niya pag ngumingiti siya. Lumapit siya sa amin at parang medyo nagaalinlangan pa. Ngumiti ako at iyun, tumabi siya sa tabi ko.

"Salamat ulit." bulong niya pero narinig ko siya.

"Okay lang iyon, Li. Mabait talaga itong si Sakura." sabi ni Tomoyo habang inumpisahan na naman niya ang pagrecord sa akin.

"Wala iyon. Tinulungan mo ako sa klase kanina eh." sabi ko habang sumubo ulit ako ng lunch ko.

"Ah ganun ba?" bulong niya. Hindi siya masyado nagsasalita. Hay naku...

Natapos na ako kumain at si Tomoyo. Lumingon ako kay Li at tapos na rin siya. Tatayo na sana siya ng pinigilan ko siya by holding his hand. "Dito ka muna, please?"

Ngayon ko lang ginawa ito. Wala lang, gusto ko lang naman na makilala siya. At wala naman akong balak na masama sa kanya. Gusto ko lang siya maging kaibigan, masama ba?

Wala na siyang nagawa at nagstay sa inuupuan niya. Napatawa ako ng mahina. "Sus naman, hindi naman ako nangangagat eh! Don't worry," ani ko habang kitang kitang namumula siya.

"Gusto ko lang naman makipagkaibigan. At pansin ko, lagi kang mag-isa kaya, 'yun."

He nodded at tumingin sa akin. "Okay."

Tapos, bigla na namang pumasok si Tomoyo. "'Di ba ikaw ung Chinese transferee last year? Lagi kang pinaguusapan dati eh." sabi niya.

"Ah oo, kaya medyo bago lang ako." sabi niya, medyo nahihiya.

"Talaga? Hindi ko alam yun Tomoyo. So, ilang taon ka na ba?" tanong ko habang tinititigan siya ng maigi. Ang gwapo talga niya, siguro hindi niya napapansin iyun.

"17."

"17... Ako 16 lang eh, pero nasa pareho tayong klase ha. May favorites ka ba? Favorite subject mo?" tanong ko ulit. Siyempre kailangan kong malaman, kasi magiging kaibigan ko siya.

"Math. At tama ako na iyun ang pinaka ayaw mong subject." sagot niya. Tama siya! Pano kaya niya nalaman?

"Pano mo nalaman?"

"Wala lang."

"Oh? Saglit nga, hindi naman sa panghihimasok kasi pansin ko, uhm, cute ka." I blurted out. Ano ka ba Sakura? Para kang ewan!

Namula na naman siya. Hindi naman pala ako magkakaproblema dito eh. Mahiyain nga siya at tahimik.

Narinig kong natawa si Tomoyo. "Ah, oo nga, cute ka nga Li." sabi niya. Tama ako!

"Ganun? Salamat." mahina niyang sinabi. Hay... Hinawakan ko ang muhka niya at pinalingon sa akin.

"Hindi ka dapat mahiya. Kaibigan mo na kami ni Tomoyo." sabi ko habang tinanggal ang salamin niya. Ang cute talaga niya! "Nakakakita ka ba?" tanong ko at he smiled.

"Oo, nakakakita pa ako. Medyo malinaw pa naman eh." ani niya.

"Mabuti naman. Simula ngayon, hindi ka na magsusuot ng salamin. Pero para luminaw ang mata mo, anong gagawin natin? Hindi ka pwedeng mag contact lens dahil, ayaw kong mag bago ang kulay ng mata mo. Meron bang clear na contact lens, Tomoyo?" tanong ko kay Tomoyo and she nodded.

"Oo meron. Sa katunayan nga ay meron akong dala ngayon. Marunong ka bang gumamit ng contact lens, Li?" tanong niya habang may kinukuha siya sa bag niya.

Umiling si Li. Hindi siya marunong. Pano ito?

Tapos narinig ko na naman ang nakakairitang tawang iyon. Nakakainis ang tawang iyon. Lumingon ako pataas at as usual, si Reika at mga butete niyang buntot.

"Kinomoto, kailan ka pa natutong makipagkaibigan sa mga nerds? Yuckie ka ha! At ang kinaibigan mo pa ay ang Pambansang NERD ng school. Nakakahiya ka." sabi niya.

Napatayo ako. Kapal talaga ng muhka nitong babaeng ito! "Hoy, tengang daga, kahit kailan wala kang pakialam sa mga pinaggagawa ko! Ang kapal naman ng iyong face para pagsalitaan ng masasakit na salita ang aking friend. Bakit hindi mo tignan iyang sarili mo? Natapunan ka na nga ng coke, nilalangaw iyang damit mo, may kasama ka pang dalawang butete sa likod mo. Hindi ba, ikaw ang yuckie dyan?" sabi ko sa kanya.

"How kapal your face! You have no karapatan to say masama words to me ha!" sigaw niya sa muhka kong maganda.

Napatawa na lang ako. Yan ang sinasabi ko sa inyo, feeling Americanized Japanese ang tengang daga. Hay, ang mga feeling talaga.

"Tara na nga Li at Tomoyo. I'm not in the mood to fight with a girl who she feels she is an American. Too bad, she didn't know how to speak the language properly." I said to myself while I dragged Li and Tomoyo went beside me.

How kapal your face ha! Galing talaga niya mag English.

...x...

Uwian na at mabuti dahil wala akong library work ngayon. Pero wala akong kasabay na umuwi ngayon dahil may practice si Tomoyo. Okay lang kung may library work ako kasi minsan sabay kaming matapos. Pero wala eh. Si Li nalang dahil partner ko naman siya. Saan kaya siya ngayon?

Hindi ko natanong kanina eh. Makakalimutin ka talaga. Naglalakad ako ngayon sa corridor ng kabilang building, meaning yung katabing building ng building kung nasaan ang aking classroom. Hehe, hindi ko kasi alam kung anong tawag nila sa building na ito. Iyun nga, naglalakad ako nang may narinig akong tugtog ng musical instrument. Hindi ko pa masyado alam kasi medyo mahina pa. Nag lakad pa ako at luminaw ang tugtog.

Piano. Sino naman kaya ang nagpapatugtog ng piano sa ganitong oras? At uwian na ha. Tinignan ko kung sino ang nagpa-piano sa bintana ng pintuan. Parang ewan, medyo malabo kaya ang salamin sa pintuan. Paano ko kaya makikita?

At dahil sa may utak ako, binuksan ko ng kaunti ang pintuan at tinignan kung sino ang nagpa-piano. Paulitulit ang sinasabi ko noh? Hay. Iyun nga, tinignan ko at bwala! Hindi ko masaydo makita kaya binuksan ko ng mas malaki hanggang...

"Miss Kinomoto?" aba, familiar sa akin ang boses na iyon. Hindi ko lang matandaan. Binuksan kong maigi ang pintuan at nakita kong si Li Syaoran nakaupo sa piano chair. Siya ba ang nagpapatugtog?

Tsaka, feeling ko stalker niya ako. Hehehe, iba talaga ang nagagawa kung gusto mong makipagkaibigan noh?

"Kasi, may narinig akong tugtog kaya tinignan ko. Tapos, iyun pala ay ikaw. Anong ginagawa mo dito? Uwian na ha." nagdaldal na naman ako. Hindi naman ako ganito dati eh. Ngayon lang.

"Ah," sabi niya habang kamot sa ulo. "Wala lang. Hinihintay ko lang naman na maguwian ang mga estudyante tsaka ako uuwi."

Ahhh... Saglit. Kanina sinabi niya Miss Kinomoto, tapos pansin ko ring suot-suot niya ang salamin niya. Makulit din itong si Li ha.

"Sabi ko," simula ko habang lumapit sa kanya. I leaned over the piano and grabbed his glasses. "Tanggalin mo na itong salamin mo. At higit sa lahat, wala ng Miss ha, Sakura na lang. Masyado kang respectful."

He attempted to get his glasses back when I finished my sentence. Sorry sya, makulit talaga ako. Nyahahaha! Ang galing ko talaga. "So, pwede rin ba kitang tawaging Syaoran? Mas bagay kasi iyon eh."

"Sige, Miss-"

"Ep, ep! Sakura. SA-KU-RA. Sakura!" Cute ka nga, hina naman ng kokote kahit nerd.

"Sige, Sa-, uhm, Sakura." Mabait na bata!

"Muhka namang wala ng tao sa school, siguro pwede na tayong umuwi. Sasabay ka sa akin di ba? Wala akong kasama eh,may practice pa si Tomoyo." sabi ko habang kinukuha ni Syaoran ang kanyang bag.

"Sige, walang problema." he said as we went out of the music room. Tatlo pala Music room dito, hindi ko nasabi. Masyado kasing maraming instrument na pinagaaralan kaya kailangan ng mas malaking space.

...x...

"Saan ka ba nakatira, Syaoran? Kaninang umaga lang kita nakita na papasok sa school eh. Siguro malapit lang ang bahay mo sa amin." nag simula ako ng conversation since nakakainip. Ang tahimik namin noh...

"Sa kabilang bloke pagkagaling sa bahay niyo. Lagi kasi kitang nakikita pagumuuwi ka eh." sagot niya. Wow, he breaks his record. Ito na ata ang pinakamahaba niyang sentence na sinabi!

"Ows? Hindi nga. Ang ibig sabihin, matagal mo nang alam ang bahay ko. Siguro, ikaw yung feeling kong nasunod sa akin. Last year ko pa nararamdaman iyun eh."

He smiled. "Pasensya na ha. Kasi ikaw lagi ang huling umaalis ng school dahil nga sa library work. Kaya un."

I giggled at his answer. Natural. Sabi nga niya kanina ay lagi siyang huling umuuwi. Eh minsan, feeling ko ako nalang ang natitira sa school. Kaya pala...

Pag katapos ng medyo mahaba(at tahimik) na lakad, umabot na kami sa bahay namin. Nabagalan talaga ako. Siguro dahil iba ang kasama ko at hindi siya masyadong nagsasalita.

"Well, nandito na tayo sa bahay ko. Papasok na ako, kailangan ko pang magluto. Ingat ka sa daan ha. Kita nalang tayo bukas sa klase." I bid goodbye as I entered the house. Grabe, kakapagod sa school pero iba kapag kasama siya. Parang ang light light ng feeling ko.

Umakyat na ako sa taas at tumingin sa bintana. Nakita kong ngumiti siya at umalis na. Wow, ngumiti talaga siya. Natural na natural. Cool pa ha. Hay, I think I fell in love with him...

Li Syaoran. Chinese guy na galing Hong Kong(that's what he said earlier habang naglalakad). Sa itsura niya, para siyang mayaman pero hindi. At parang hindi talaga siya nerd. Ano kayang meron sa kanya? Kasi parang hindi nerd ang ugali niya eh. Ang bilis niyang magadopt. Ang alam ko, matagal pa bago makipagusap ang mga nerd pero siya hindi. Ay, bahala na nga. May mga assignments pa akong kailangan gawin.

...x...

"Ngayon na ba? Nalimutan ko eh. At tsaka, kailangan pa bang nandun ako? May gagawin pa akong library work eh." ani ko habang sinasara ko ang aking locker. Pwede ba? Tigilan nga nila ako. Kailangan pa daw na nandun ang mga nagpalista sa blind date contest dahil nga para malaman kung nanalo ka o hindi. Para namang may possibility akong manalo doon.

"Kailangan ka nga doon, Sakura. Tsaka, pwede ba? Isa ka mga respetadong directors ng student council. Para namang hindi mo alam ang responsibilidad mo." counter ni Chiharu. Sus, responsibilidad. Sino ba ang pumilit sa aking maging member ng student council kung may library work ako?

"Sige na, pupunta na ako! Susunod ako, wag kang magalala. Siguradong nandun si Tomoyo kaya nandun din ako." sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa bag.

"Hay naku. Halika na nga!" sigaw ni Chiharu habang kinakaladkad ako.

...x...X...x...

Daldal ni Keia: ano? ngustuhan niyo b? sorry kung may mga shortcut words diyan ha? pagpasensyahan nio na... hahaha! ung sencond part, ndi ko alam kung kelan ko ipost... nabubulok n kc ito sa akong disk kaya, ipost ko na rin... hehehee! BASA at MAGARAL! i mean, READ and REVIEW! hahahaha! humayo kayo't mag parami... ng REVIEW!